Monday, February 02, 2009

Rassum Frassum Photo Upload!

'Nyemas naman talaga. Kung kelan ako nagkaroon ng oras para magpost ng photos ayaw naman ma-upload dito. Haaay. Nag-resize na ako, binabaan ang resolution ng image, binawasan ko na mga i-upload ko, pinalitan ang file format para mas maliit pa rin ang file size, nagdasal at nag-alay ng itlog kay Sta. Clara pero di pa rin kinakarga ang mga photos ko! Aaargh!

Kagagaling ko lang sa Palawan nung January 24 - 28. Magmamalaki pa naman sana ako at sa wakas ay narating ko rin ang lugar na matagal ko nang inaasam-asam na matungtungan. Ipapakita ko sana yung mga nadatnan kong tanawin na syang tunay na nakakabighani. Isasalaysay ko sana sa pamamagitan ng mga litrato ang masayang kabuuan ng aking paglalakbay kasama ng mga bago kong kaibigan at kakilala.

Kadalasan kasi talagang mas madaling maintindihan ang kwento kapag nalalagyan ng kaakibat na hugis at anyo ang mga tao, bagay, o lugar na nasasambit mo. Hirap naman kung aasa ka lang sa imahinasyon ng kausap mo. Kung di sya nakikinig, o kaya'y wala syang masyadong libog sa pagpinta ng iyong salaysay sa kanyang pag-iisp, sayang naman ang ganda ng nais mong ipakita o iparamdam. Minsan naman, kabaligtaran nun, yung nagkukuwento masyadong malibog sa paglarawan ng kanyang natanaw kaya exaggerated naman ang dating.

Sabi ko lalagyan ko na ng pics ang mga entry ko dito sa bago kong networking site. Pero eto at nauwi ulit sa salita. Holy kamote!

Upload my pictures, damn it!

Haay. Mag-two bottles na nga lang ako.


No comments: